-
Ramon P. PaternoMarch 31, 2014 at 9:52 am #1286
Galing lang ako sa Yolanda affected Eastern Samar Municipalities last Feb 25 – 28. Ito ang pangkalahatang obserbasyon ko: as of the last week of February, nagkakaisa ang mayors ng 4 na municipalities na hindi pa nila nararamdaman ang tulong ng national govt para sa rehabilitasyon ng Eastern Samar. Ang mga tulong so far ay nasa anyo ng relief: relief goods from DSWD and cash for work program. A few “substandard” bunkhouses courtesy of DPWH.
1. Para sa kalusugan, na ekspos ng Yolanda ang “substandard” na kalidad ng health facility enhancement program na ipinatupad ng DPWH o ng DOH CHD.
Balangiga district hospital – inireklamo ng chief of hospital habang ginagawa na kulang na kulang ang mga bakal na suporta kung saan iwewelding ang bubong at pagkatapos nga ng Yolanda, linipad nga ang bubong.
Sa Giporlos, may dalawang Barangay health station: yung dati at yung facility enhanced. pagkatapos ng Yolanda, buo ang luma, sira ang enhanced facility: sira ang bubong, bagsak ang parte ng sementong pader sa ilalim ng bubong.
2. kagaya ng national govt, nagdedefault ang DOH sa pagrehabilitate ng damaged facilities. nasa proseso pa lang ng pagaaprove ng emergency facility enhancement, nagawa na at naturnover na ng dayuhang Medicins san Frontieres (MSF) sa pagtulong sa Salcedo RHU at nasa proseso ng pagtulong sa “temporary” repair of Guiuan District Hospital.
Ang Yolanda sana ang malaking oportunidad na ipadama ng doh ang tulong nya sa mga naapektuhang lokal na sistemang pangkalusugan, oportunidad na ipakita ang bentahe ng “integrated” health system na tuwirang pinapatakbo ng DOH.
-
|
You must be logged in to reply to this topic.